Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts
Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts

Monday, February 23, 2009

Boy Abunda's Message to Dra. Vicki Belo: "Walang Sinuman ang May Karapatang Manlait sa Aking Pagkatao!"

Boy Abunda strikes back on Dra. Vicki Belo!

When Dra. Vicki Belo took the hot seat of Showbiz Central's "Gimme Mo" (read article and watch video here) segment Sunday afternoon, she was asked to comment about Calayan's (her biggest rival) claim that they have better-looking endorsers than Belo Medical Group. She said, "Well, first of all, I feel kinda bad. Kasi, ako naman ang nag-umpisa ng mga bati-bati ng mga artista. I feel bad, kasi parang ginagaya lang nila ako. Sana naman, maghanap naman sila ng unique marketing… And I’d like to say, if you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo."

Last night on Boy Abunda's late showbiz program SNN: Showbiz News Ngayon, he tearfully answered Belo’s fiery statement on Showbiz Central. And he said, "Nang magkabati sina Kris at Vicki, tinanong po ako ni Kris, how did I feel. At ang sabi ko po mga kaibigan, I missed her. That came from the bottom of my heart, I missed Vicki.

"Off-cam, sinabi ko po kay Kris na nakaka-miss din dahil noong mga panahon na nag-uusap at hindi pa nagpapahinga yung aming pagiging magkaibigan, everytime she gets into problems, she'll call me for advice. Sabi ko dito sa Hayden controversy, siyempre tahimik ako dahil hindi nga kami nag-uusap.

"Kahapon right after The Buzz, my first caller po was Ruffa Guttierez, na sinasabi sa akin kung narinig ko na yung sinabi ni Dra. Vicki Belo sa [Showbiz] Central, sa kabila. Hindi pa. That was the first time I was hearing it.

"Hanggang may mga text messages na pumasok po sa akin. At sinabi kong hindi naman siguro sasabihin sa akin ni Vicki ito. Baka nagkakamali lang dahil malalim naman ang aming pinagsamahan at matagal ang aming pinagsamahan. At sabi ko nga, wala naman kaming pinag-awayan ni Vicki.

Nasindak po ako, na-surprise po ako, di po ako makapaniwala nung luminaw na lahat ng mga sinabi nya…kaibigan ko pong matalik si Dra. Vicki Belo for years. Vicki if you’re watching alam mo na kahit kailan hindi ako namuhunan sa gandang panlabas dahil alam ko wala ako masyado nun. Alam mo na namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag at tiyaga, dasal, at Vicki wala akong ilusyong gumanda. At wala ring ninumang may karapatan na manlait sa aking pagkatao."

Boy narrated that his mom called him late Sunday night from Samar and asked him if he did something wrong to Vicky and why the lady doctor made fun of him on national tv. Boy assured her mom that he did not do anything against the famous cosmetic doctor.

"Vicki if you’re watching, you know i did not do anything bad to you to deserve this insult. Wala akong ginawa sa ‘yo. And Nay, if you’re watching, wala po akong ginawa. Narating ko po ang maliit na espasyo ko dito sa industriya na wala po akong tinapakan. At mga kaibigan, hindi po tayo kinakailangang kasing-ganda o kasing-gwapo ni Dingdong Dantes para maging masaya at para maging mabuting tao." he added.

Watch Boy Abunda's video below:



Monday, November 24, 2008

Snooky Serna on The Buzz' "Tough 10"

Actress Snooky Serna courageously answers The Buzz' Tough 10 questions on Sunday, November 23 with Boy Abunda as the segment host.

Tough Ten Question No. 10: Bakit mo nasabi dati na pinagsisisihan mo na naging star ka at an early age? Matatandaang nagsimula si Snooky bilang child star noong '70s.

"Siguro, Tito Boy, I didn't get to enjoy my childhood as much as I would have wanted to."

Did you blame anybody for that?

"I used to, but not anymore. Tapos na yun."

Tough Ten Question No. 9:
Sa tuwing makikita mo ang mga kasabayan mo na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie, sa puso mo ba, may inggit ka bang nararamdaman?Magkakasabay silang inilunsad ng Regal Films sa pelikulang Underage.

"Honestly, Tito Boy, I don't, wala. Kasi may kanya-kanya naman kaming ambisyon. Siguro sasabihin ng iba na ako raw tamad. But then, hindi, e. Kasi para sa akin, happiness is subjective, di ba? I think it's my problem, not theirs."

Tough Ten Question No. 8:
Sa lahat ng aktor na na-link sa iyo in the past, sino ang hindi mo makakalimutan at bakit?

Matagal bago nakasagot si Snooky at tinanong pa niya kung puwede ba siyang mag-skip ng question. Nang sabihin ni Boy na hindi puwede at saka lang siya sumagot.

"Ako, I have been known to be an honest person. I will not ever forget Albert Martinez."

Bakit?

"Kasi, unang-una, on a positive light, he was my first love, first boyfriend, and a... siguro let's leave it at that na lang. I want to be magnanimous."

Tough Ten Question No. 7: Sa lahat ng trials na pinagdaanan mo sa iyong buhay, ano ang pinakamabigat kung saan muntik ka nang bumigay?

"Siguro yung time na... Ngayon lang, just recently, yung nagkasakit si Mommy. That was very tough for me. Muntik na talaga akong bumigay. Feeling ko, magkakaroon na ako ng psychotic breakdown. Kasi my mom kasi, if I may kuwento a bit, nahulog siya sa bathroom. She suffered parang... Wala naman siyang fracture or anything like that, parang namaga yung likod niya ng konti.

"It was so painful that she has to be given steroids kasi nahihirapan siyang huminga. Because of that, nag-overdosage ang mga...the doctors obviously, nagkaroon siya ng... I know she will not mind if I say this...nagkaroon siya ng psychotic breakdown. And seeing your mom in such a breakdown, talagang ang parang feeling ko, I'm going to lose her. Because, Tito Boy, it's almost as if hindi na niya ako kilala. She was having delusions na. And then they wanted nga to make a procedure to make sure na hindi siya magkaroon ng heart attack ulit. Kasi nagkaroon siya ng mild heart attack noon, e.

"Whatever it is na nangyari sa amin ng mommy ko, kumbaga, parang touch and go. Yun ang parang tsamba-tsamabahan, e. Minsan, you like each other. Sometimes, we don't like each other that much. But the bottom line is she's my mother and I love her. And I will never change her for any mom in the world kahit na ano pang sabihin nila."

Tough Ten Question No. 6: Talking about what your mom went through, was there a time na you really went through chronic depression and naging drug dependent?

"Yes, Tito Boy. Noon pa lang nagsimula na ito, e. Because of the pressure nung time na talagang ka-busy-han ko noon. Parang I was so pressured to look beautiful, to look perfect. Kailangan payat ka kundi hindi ka gagawan ng pelikula. May anorexia [eating disorder] na ako noon, na I almost don't eat at all. Yun ang naging sakit ko just to please the people.

"I did not want to lose my job. I did not want to lose the comfort of life that I have been experiencing at the moment. So, to make the long story short, nagkaroon ako ng systemic mood disorder, they call it. Off shoot ng anorexia yun. Nagkaroon ako ng chemical imbalance. So, nagte-take ako ng mga gamot na to be honest, up to now, I'm still dependent on them."

Pero are those prescribed by the doctor? Supervised talaga siya?

"Yes, prescribed and supervised by the doctor. So, hindi ito drug addiction."

Tough Ten Question No. 5:
After two failed marriages, may mga pagkakataon ba na sinisisi mo ang sarili mo na parang ako ba ang may problema?

"Oh yes, a lot of times. Kasi parang feeling ko, having had two failed marriages na nga, parang you can't help it but question yourself then, e. Ang problema ko lang siguro is grabe akong magmahal that I forget about loving my self."

Tough Ten Question No. 4: In one of your intervies sa The Buzz, there was a point na sinabi mo na you're looking forward to reconcile with Ricardo Cepeda (Snooky's first husband).
Noong nalaman mo na mayroon na siyang bagong girlfriend ngayon, ano ang iyong reaksyon?

"Ang reaksyon ko siyempre... Kahit sabihin pang nagkaroon ako ng second husband, which I thought was going to last forever and unfortunately did not end up that way, masakit pa rin siyempre yung realization na, you know, this man who I lived with and is the father of my two children, he is my husband and I was loyal to him for 13 years, now has replaced me na. Parang ganun."

Isang tanong lang, do you still love him? It's answerable by yes or no.

"It depends on what kind of love."

Romantically?

"No."

Tough Ten Question No. 3: Kapag binalikan mo ang iyong nakaraan, ano sa tingin mo ang naging pagkukulang mo bilang isang ina to your children?

"Tito Boy, ayokong maging mayabang. But I don't think nagkaroon ako ng pagkukulang sa kanila. Wala."

Tough Ten Question No. 2:
You mentioned kanina na medyo rocky yung relasyon n'yo ng iyong ina. Pero at what point mo pinatawad ang iyong ina? And what point mo pinatawad ang iyong sarili in your own context?

"Noong time na nagkasakit siya and I thought na my mom will be a goner. Akala ko talaga na she will really go."

Did you say I'm sorry and I love you mom?

"Yes, I did. It was that time na I keep on telling her that I love her. And thankfully nung mag-wear out na yung gamot, na-flash out na sa system niya and she was back to her usual self, na-express namin sa isa't isa. Nagkaroon na kami ng closure. ‘Okay, hindi tayo parehong perfect. Parehong malakas ang personality natin. But the bottomline is we love each other. And we can not leave without each other.'"

Tough Ten Question No. 1:
According to reports, nakahiga ka raw sa salapi. Totoo bang sustentado ka ngayon ng isang napakayamang businessman?

"He is, thankfully, a self-made man. He is well-off. But more than anything else, he takes care of my spirit. He calms me down. He nurtures me in more ways than one. Money is much more secondary."

Yes or no, do you love him?

"I am in love with him."

Does he love you?

"I think he does."

Sunday, October 26, 2008

The Buzz Public Apology Letter

Boy Abunda made a public apology on behalf of the whole "The Buzz" show last Sunday afternoon, October 26, regarding the uncontrollable behavior of Fermin during an interview on Oct. 5 regarding her feud with Montenegro.

Watch the video below:



The said apology letter will also be published in major dailies.

Friday, October 24, 2008

"The Buzz" To Make A Public Apology

The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) conducted an adjudication hearing on Wednesday on the complaint filed by former actress Nadia Montenegro against Cristy Fermin, host of “The Buzz,” who was recently suspended by ABS-CBN.

The network and the board agreed that “Buzz” main host Boy Abunda will make a public apology on the Sunday afternoon talk show for the “uncontrollable behavior” of Fermin during an interview on Oct. 5 regarding her feud with Montenegro.

ABS-CBN was represented in Wednesday’s closed-door hearing by business unit head Louie Andrada and executive producer Nancy Yabut, the network’s legal director Mona Lisa Manalo and assistant liaison for the MTRCB Daisy Parungao. The board was represented by vice-chair Marc Castrodes and members Noel del Prado and Cristine Concordia.

After the hearing, the network representatives, committed to pre-tape segments that tackle sensitive issues, for self-regulation.

The network also promised to publish a public apology in a major daily, “on a best-efforts basis,” said board chair Marissa Laguardia.

Monday, October 6, 2008

Cristy Fermin Fires Back at Nadia Montenegro

After a fiery interview of Nadia Montenegro with Boy Abunda last September 28 at The Buzz where she specifically aired her anguish on Rose Flaminiano (Gabby Concepcion's estranged Manager) and TV-radio host-showbiz columnist Cristy Fermin, The Buzz, last October 5, allocated necesary airtime on Cristy Fermin to answer blow-by-blow all the accusations made againts her by Nadia Montenegro.


Here is the complete interview of Cristy Fermin with Boy Abunda:

"I LOST A VERY GOOD FRIEND."

Nadia Montenegro: "Seven months ago Tito Boy you know I've lost a very good friend [Gretchen Berretto]. I lost her because of intrigues. I lost her because of Cristy Fermin, who until this day has not proven that text message she told Gretchen that I sent to all these media, to all the reporters.

"Nagharap-harap kami sa Rembrandt [hotel] wala siyang napakita. Cristy Fermin, humingi ka ng oras kay Boy [Asistio], sa asawa ko, nakiusap ka kay Boy kung puwede mo akong solohin sa taas sa Rembrandt. Kahit ayoko nang makita ang pagmumukha mo, pinagbigyan kita!"

Cristy Fermin: "Boy, base sa sinabi ni Nadia Montenegro mga kaibigan, tahasan ko pong sasabihin na sinungaling na siya ay inconsistent pa. Ilang buwan na ang nakararaan kung tawagan niya si Gretchen, inilarawan niyang masamang babae—user, exploiter at schemer. Ngayon sasabihin mo, 'I lost a good friend,' mali ‘yon Nadia. Unang-una, ‘yong sinasabi mo na kasangkot ako sa kaso ninyo ni Gretchen, wala akong alam diyan. Pumasok lamang ako sa sitwasyon nung nasukol ka na parang daga sa lungga at ako ang ituro mo na nagkakalat ng balita.

"Nadia, natatandaan mo pa ba ‘yong mga gabi ilampung buwan kong itinago ito sa puso ko. Hindi ko isinulat sa limang columns ko, hindi ko sinabi dito sa The Buzz, hindi ko sinabi sa DZMM. Nadia, kung natatandaan mo pa, maraming gabi mo akong binubulabog. Pinagdadala mo ako ng camera sa Essensa [condominium in Taguig City] alas-otso ng gabi, alas otso ng umaga, lipstick, camera ang pinadadala mo sa akin. Ang sabi mo i-connive ko kuntsabahin ko ‘yong guwardiya ng Essensa sa basement dahil doon bumababa si Gretchen.

"Tanungin nating pareho si Gretchen Barretto kung mula nang sabihin mo sa akin ‘yon ay ipinagkanulo kita kay Gretchen. Ako'y pumasok lamang sa sitwasyon nung ako na ang idinidiin mo doon sa sinasabi mo na you've lost a good friend. Totoo, nawalan ka ng isang mabuting kaibigan.

"Nung nagkita-kita tayo sa Friday's at Rembrandt, hinawakan ni Gretchen Barretto ang kamay ni dating mayor Boy Asistio. Ang tanong ni Gretchen, ‘Mayor, ano pa po ba ang dapat kong gawin at ibigay kay Nadia para huwag na niya akong traydorin?' Anong sabi ni Tito Boy? ‘Hindi ko alam. Matagal ko na siyang pinagsasabihan na lumayo sa ganitong mga isyu, hindi na siya nakikinig.'

"‘Yong sinasabi mo na ayaw mong makita ang aking pagmumukha nung gabing ‘yon, Nadia, mas kailangan mo ako nung gabing ‘yon kesa sa kailangan kita. Si Tanya Montenegro na kapatid mo ang kumuha sa akin para dalhin ako sa mezzanine floor kung saan ka naroon. Nakita kitang umiiyak, nandoon si Tanya, nandoon si Christine Puno, at pinangaralan kita kahit na ipinagkanulo mo ako, umiral pa rin ang pagiging pusong ina ko.

"Anong sabi ko sa ‘yo? ‘Kulang ang isang katawan mo, ang isang bibig mo para sa anim na anak mo at kay Tito Boy.' Umiyak ka nang umiyak sa ‘kin, ‘Sorry, nanay, sorry, nanay.' At 'yon ang panahon na nagpadala ka dito ng apology letter sa The Buzz na binasa ni Boy. Ngayon, sasabihin mo na ako ang may kasalanan?

"Si Gretchen, maraming salamat sa paninindigan dahil sinabi ni Gretchen na wala akong kinalaman sa kanilang away. Ninety million, anong sabi mo sa akin? ‘She made me a slave for four years.' P900-million ang sangkot dito. Hindi P9,000, hindi P90,000. P90-million pesos! May bahay kayong nakasangla sa bangko ni Mr. Tonyboy Cojuangco, ginawa ni Gretchen ang lahat ng paraan para makatira pa kayo ng apat na taon. Anong sabi ni Gretchen kay Tito Boy? ‘Mayor, masama pa po ba akong kaibigan? Apat na taon pa kayo na nagkaroon ng ektensyon para makatira sa pakikipaglaban ko.'

"Anong sabi mo sa akin? ‘Pinababa ni Mr. Tonyboy Cojuangco si Gretchen. Pinalayas, walang natirang anuman sa katawan kundi ang dala lang niya. Ano'ng nagawa niya sa kanyang mga bags, sa kanyang mga alahas? Wala.' Ikaw ang nagkalat sa iba't ibang bibig. Nung nasukol ka na, ako ang iyong idiniin."

"WALA KAMING LABAN"

Nadia Montenegro: "Naeskandalo ako. Ako ang 'pinakamasamang tao', 'pinakamasamang kaibigan sa balat ng buong mundo', pero never akong lumabas. Hindi ko napagtanggol ang sarili ko. Kasi sabi nila, hindi titigil si Cristy Fermin. Tito Boy, hindi siya tumigil. May mga artistang hindi makapaglaban, wala kaming laban, Tito Boy. May mikropono siya, may makinilya siya, may ballpen siya. Tito Boy, pinapakain niya sa pamilya niya ‘yong sinasabi niyang hanapbuhay sa paninirang-puri. Ilang artista, Tito Boy, ang hindi makapaglaban. Walang mawawala sa akin, wala na ako sa showbiz, Tito Boy. Wala akong show, wala akong pelikula. Hindi ko kailangan mag-comeback. Wala."

Cristy Fermin: "Boy, ‘yong sinabi niya na hindi siya lumalabas, talagang hindi lumalabas ang mga traydor, patalikod kung bumira ang mga traydor. Pangalawa, ang sabi mo [Nadia], ang pinakakain ko sa pamilya ko ay ang paninira ko ng mga artista. Nadia, basahin mo ang mga columns ko, marami akong pinupuri na artista na hindi ko kakilala at hindi ko ka-close. Marami rin akong kakilala na kalapit ko na artista na pinipitik ko ‘pag nagkakamali. Huwag kang mag-imbento ng scenario na hindi mo kayang panindigan, ‘yon lang."

"HINDI NAKAKAPATAY ANG SALITA."

Nadia Montenegro: "'Yong sinasabi niya na bawang ako, sawsawan, suka... Lahat na, Tito Boy, tinawag na niya akong baboy, gago, sinungaling... Tito Boy, lahat tinawag na niya sa akin. Pero ‘yong tinira na niya si Boy na asawa ko, na nananihimik... Sinabi ni Cristy, may article siya na hindi nakakapatay ang salita. Tito Boy, wala na si Tito Rollie [Concepcion, Gabby Concepcion's father]. Hihintayin ko bang mangyari sa nanay ko at sa asawa ko ‘yon?

"May nanay din siyang [Cristy] nakaratay ngayon, Tito Boy. Hindi ba dapat pag-aksayahan niya na lang ng panahon, ipagdasal niya nanay niya kesa siraan niya lahat ng tao dito? Sobra na, Tito Boy, e! Sobra na siya! Wala akong matandaan na ginawa sa kanya, wala! Siguro wala lang siyang napapakinabangan sa akin dahil hindi ako magbabayad para purihin mo lang ako!"

Cristy Fermin: "'Yong sinabi niya na asikasuhin ko ang nanay ko, ipagdadasal ko ‘yon ang linya, isa sa dalawang linya, 'tsaka ‘yong wala akong budhi, tsaka ‘yong pagsaling niya sa nanay ko, sa pinakamainit na kumot na binalabal ko sa malamig na Canada, Boy, ang nanay ko ay nabubuhay na lamang sa extensyon ng dasal naming magkakapatid ngayon. May batas akong sinusulat sa aking puso at bawat anak siguro ay ganun din. Salingin na ang lahat sa ‘tin, galawin na ang lahat sa ‘tin, suntukin na tayo mula ulo hanggang paa, saktan na tayo, [pero] huwag mong gagalawin ang nanay ko na 97 years old na.

"'Yong sinasabi mong magbabayad ka para puruhin kita, Nadia, balikan mo nga mula nung 14 Going Steady days, ni-launch ka ng Regal. Mula nung panahon na ‘yon hanggang ngayon na nagsasalita ako sa mikropono, pakialala n'yo nga mga magkakapatid kung nagbayad kayo sa ‘kin kahit singkong duling? Kapag pinupuri ko ba kayo, marunong kayong magpasalamat? Si Tanya, marunong magpasalamat. Ikaw [Nadia] ang sini-single out ko, marunong ka bang magpasalamat kapag pinupuri ka? Naaalala mo lang ako kapag pinipitik kita.

"At hindi bayaran ang babaeng tinutukoy mo. Kung meron kang kilala na kolumnista na pilay ang prinsipyo, kung meron kang kilalang artistang nababayaran ng panulat, reporter, hindi ako ang tinutukoy mo. Nadia, publikasyon ang nagbabayad sa akin, hindi artista!"

"YOU HAVE NO CREDIBILITY ANYMORE."

Nadia Montenegro: "I have to remind Cristy Fermin, you are convicted for libel. You have no credibility no more. I do not know but I have to say this and I have to fight for what I believe in. After nito, sisiraan niya pa rin ako siguro dahil wala nang budhi si Cristy Fermin!"

Cristy Fermin: "Tungkol doon sa kasong libelo, si Tito Eddie [Gutierrez] nga, si Tita Annabelle [Rama], at si Ruffa [Gutierrez] na direktang kasangkot hindi nagsasalita tungkol doon. Umandar na naman ang pagiging bawang ni Nadia Montenegro. Na-miss ko 'yon kanina, hindi ko siya tinatawag na suka. ‘Yong g-a-g-o, hindi ko ginagamit sa column ko ‘yon, hindi talaga.

"Ang paninindigan ko lang, Nadia, ‘yong tinawag kitang bawang kasi sa lahat naman ng gulo sa showbiz, talagang kasali ka. Lagi kang umeeksena, lagi kang spokesperson. ‘Yong baboy ka, hindi sa akin nanggaling ‘yon. ‘Yong 'Lilet' read ‘liletsunin,' hindi sa ‘kin galing ‘yon. Sa mga dating kaibigan mo na tinraydor mo. Pero bago na ang pangalan mo ngayon; ‘Ina' ka na, ‘inahin' ka na ngayon.

"Boy, ‘yong sinabi mo na pinakahuling sinabi niya ay ako daw ay walang budhi, Boy, kapag sinabi mo kasing walang budhi ang tao, pinatay mo na siya, e. Ginawa mo na siyang kriminal, ginawa ka na niyang buhay na patay. ‘Yong kredibilidad, ilang beses nang sinubok ng panahon ang aking kredibilidad at ako'y natutuwa naman dahil ang publiko hanggang ngayon ay naniniwala sa aking mga sinasabi at sinusulat. Sinong walang kredibilidad sa sa ‘ting dalawa? Ikaw na nagsasalita nang patalikod, pero ‘pag nasusukol nagtuturo ka ng ibang tao para maghugas-kamay ka.

"Pangalawa, ‘yong sinabi mo na wala akong budhi, Nadia, makinig ka ngayon. Boy, apat ang aking anak na galing sa aking sinapupunan. May dalawa akong anak na hinugot sa puso ko, hindi galing sa sinapupunan ko. ‘Yong apat na anak ko at dalawa na ipinanganak ng kanilang mga magulang at dinugtungan ang buhay, itinuturing ko rin na parang anak.

"Nadia, mahigit dalawang taon na ang nakararaan, nagdalang-tao ka na hindi alam ng karelasyon mo, hindi alam ng pamilya mo. Nagpunta ka sa isang ospital na matatagpuan sa pagitan ng Mandaluyong at Pasig. Pumasok ka ng alas-dose ng hatinggabi, inoperahan ka kinaumagahan, nagsilang ka ng sanggol na babae, nagtago ka sa pangalang Nadine Villegas. Nadia, umuwi ka ng bahay, hindi mo dinala ang sanggol, pinaalagaan mo sa isang kaibigan mong aktres na kilala natin pareho, kilala ng publiko ng ilang buwan. Pagkatapos ng ilang buwan, pinadala mo ang bata sa inyong tahanan ipinakilala mo sa karelasyon mo at sa iyong mga anak bilang ampon mo.

"Nadia, sino sa atin ngayon ang walang budhi? Ako na nagmahal at nagkaroon ng ekstensyon at oportunidad na magmahal ng dalawang bata na hindi ko dugo, o ikaw na hinugot sa sinapupunan mo ang isang sanggol pero hindi mo binigyan ng pangalan? Manalamin tayo nang sabay ngayon."

"IBUBULGAR KO ANG LAHAT."

Nadia Montenegro: "Kay Cristy Fermin, pumunta ako dito dahil alam kong wala nang mawawala sa akin. For seven months, tinira mo ako. Hindi ko na aantayin na maging isang mayor JV Ejercito, maging isang Piolo [Pascual] na tinira mo ng ilang taon. Lahat, lahat halos ng artista dito hindi makakibo, hindi makalaban. Pero ako, walang mawawala sa akin. Sana pagtapos nito, itigil mo na. Isang beses pa akong makarinig na sinisiraan ninyo ako, ibubulgar ko ang lahat! At Cristy, hindi namumundok ang asawa ko at kung mamundok man siya dahil kanya ang bundok."

Cristy Fermin: "Hindi marunong umunawa si Nadia kasi ng isang panulat o baka hindi niya nabasa ang column ko. Wala akong sinabing namundok si Tito Boy. Ang sinabi ko, laging sa farm sa Bicol si Tito Boy dahil hindi naaasikaso ni Nadia at hindi niya pinakikinggan ang mga pangaral. Wala akong sinabing namundok si Tito Boy. Nadia, ang libro ng buhay ko ay lantad sa publiko. Lahat ng pahina inilalabas ko. Hindi ako ‘yong klase ng tao na namimili lamang ng mga pahinang magaganda para ipabasa sa publiko. Ibalik mo sa akin ‘yong basurang sinasabi mo at tiyak na babalik sa mukha mo."

And what is Cristy's parting words for Nadia?

"Gusto kong humingi ng pang-unawa at pasensiya kay Mayor Boy Asistio. Mayor, itinulak po ako sa pader ni Nadia. Iniwan po ako niya na walang pamimilian kung hindi ang sumuntok pabalik sa kanya. Umalis po ako ng bansa, sinamantala niya ang pananahimik ko sa Canada. At sino mang nagsasalita nang patalikod, traydor! Mayor, di ko mamatamisin na gawin kayong tau-tauhan ng sarili ninyong kasama sa bahay. Ayoko pong maglubalob sa kasinungalingan si Nadia para paniwalain ang kanyang mga kaibigan, kayo mismo at ang inyong mga anak sa isang kasinungalingan.

"Nadia, tumaas ang BP [blood pressure] ng mommy mo sa Amerika dahil sa kagagawan mo at hindi dahil sa akin. Baka nga hindi mo pa alam, itinatakbo pa lang sa ospital at nagpapa-BP ang mommy mo, alam ko na. Ang pakiusap niya sa iyo, 'Huwag na huwag mong bibirahin ang Nanay Cristy mo dahil hindi natin kayang bayaran ang utang na loob natin sa kanya. Pero hindi mo siya pinakinggan."